Infrared Photography
June 8th, 2007 by mahatma-randy-pswy
just wanted to share my Infrared Photographs… thanks for randall, rawrage and docbertus… my idols who inspired me so much.. dont be shy to leave marks..
just wanted to share my Infrared Photographs… thanks for randall, rawrage and docbertus… my idols who inspired me so much.. dont be shy to leave marks..
nice resort pwdeng camp site almost 90hectares… actually sabit lang ako dito sumama just to take pictures…^_^
these shots were taken from the recent world pyro olympics ‘06.. i hope you like it medyo newbie pa sa photography….
Pwede bang sabihin mo
Na itatago mo ang mga sulat ko
Kasi medyo maiinis ako
Kung itatapon mo..
‘wag kang mag-alala..
Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
Di na pipilitin pa..
Itong damdamin ko sa’yo
Medyo maninibago
Pero ayos lang sakin ‘to
At pwede bang sabihin mong..
“maghihintay ako sa’yo..”
Kasi medyo naiinip na ‘ko
Sa ikot ng mundo
Pwede bang isipin mo
Nahihirapan din naman ako
Sa paghintay lang ng kung anu-ano
Magmumula sa’yo
At ‘wag kang magtataka
Kung ako’y biglang makita
Na nag-iisa..nakahiga lang sa kama
Iniisip ko ito,
“ba’t nga ba biglang nagbago?..”
Makayanan ko sana ‘to..
At pwede bang sabihin mong..
“maghihintay ako sa’yo..”
Kasi medyo naiinip na ‘ko
Sa ikot ng mundo
‘wag kang mag-alala..
Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
Di na pipilitin pa..
Itong damdamin ko sa’yo
Medyo maninibago
Makayanan ko sana ‘to..
Pwede bang sabihin mong..
“maghihintay ako sa’yo..”
Kasi medyo naiinip na ‘ko
Sa ikot ng mundo..
At pwede ba..pwede ba..pwede ba?..
At pwede ba..pwede ba..pwede ba?..
Ang mga laman daw ng bag mo at kung paano ito nakaayos ay repleksyon kung pano ang buhay mo.
Ang bag ko ay punung-puno ng mga piraso ng nakatiklop na papel, mga resibo at tiket galing kung saan-saan.
Ganun nga rin siguro ang buhay ko–punung-puno ng mga lumulutang na ala-alang hindi ko mapakawalan.
Punung-puno ng mga ala-alang madalas ay naibubulalas ko nang hindi ko namamalayan.
Sabi ng isang malapit na kaibigan: kapag naglinis ka ng bahay, ang mga hindi kailangan ay dapat itapon at ang mga gustong kalimutan ay dapat ikahon.
Ganun daw ang buhay. At sa pagtatagpi-tagpi ng mga pangyayari,
naintindihan ko na rin ang hiling nya at ng iba pa para sa akin.
Unti-unti ko na raw sanang pakawalan ang mga piraso ng tiniklop na papel, mga resibo at tiket sa loob ng bag ko. Dadating din daw ang panahon na hindi ko na mapapansin na wala na ang mga bagay na ‘to.
Dadating din daw ang panahon na ako’y makakalimot. Pero para mangyari iyon ay kailangan ko munang magkahon.
Kapag nailagay ko na kasi sa mga tamang lalagyan ang mga magkalat na piraso ng tiniklop na papel, mga resibo at tiket sa bag ko ay dun lang ako magkakaron muli ng lakas ng loob at linaw ng pag-iisip.
Lakas ng loob para tumalikod at linaw ng pag-iisip para mag-ipon muli ng mga piraso ng tiniklop na papel, mga resibo at tiket.
Mga piraso ng tiniklop na papel na puno ng sulat tungkol sa kung
anu-anong bagay na nagbigay sa akin ng antisipasyon, galak o anumang emosyon na sa bilis ng kaganapan ay kinailangan kong isulat kaagad para wag makalimutan.
Mga resibo at tiket na nagpatunay ng mga napuntahan at napagdaanan.
Maaring yung iba kasama ka, yung iba naman para makalimutan ka. Mula sa kape sa starbucks at sundae sa mcdo, ice buko hanggang sa tiket ng bus o kaya pelikulang maaring hindi ko makalimutan.
At sa mga pagkakataong susunod, ako naman ang hihiling na hindi ko na kailanganing magtapon at magkahon.
Dahil sa mga pagkakataong susunod, hindi ko na maiiwasang humiling ng kahati sa pagtago at pag-ipon ng mga piraso ng tiniklop na papel, mga resibo at tiket.
….
It was the place where the sun shines
You met me and calmed my fears
You made a promise to make me smile
But just left my tears to dry
That place I now must leave
I have to let go of your memories
I cannot call me and ease the pain within
You left me alone in that special place
Now that we’ve drifted apart
The wind holds the promise in my heart
If only these words could bring you back
I will forever write for you
But not even my tears could let me have you
Because I was the perfect one
Never perfect for you….. lei